Mapagkakatiwalaang Legal na Serbisyo para sa mga Pilipino sa Auckland
Ang paghahanap ng tamang abogado ay higit pa sa kadalubhasaan sa batas. Ito ay tungkol sa pakiramdam na may nakakaintindi, may nakakaalam, at may sumusuporta sa buong proseso.
Sa Integrity Law, kami ay nagbibigay ng propesyonal na mga serbisyong legal na may matinding pagtuon sa komunikasyon at madaliang pagtugon sa inyong mga inquiries. Isa sa mga bagay na nagpapaiba sa amin ay ang aming pagiging multilingual, na may mga miyembro na may ang unang lengwaheng isinasalita ay Tagalog at Hapones na handang tumulong sa mga kliyente na mas nais makipag-usap sa kanilang katutubong wika. Naniniwala kami na ang wika ay hindi dapat maging hadlang sa pagtanggap ng de-kalidad na legal na payo.
Kung ikaw ay nagbabalak na bumili or magbenta ng ari-arian, naghahanda ng testamento, nangangasiwa ng isang ari-arian, o nagpaplanong gumawa ng Enduring Powers of Attorney, ang aming team ay nakatuon sa paggawa ng legal na proseso nang diretso at walang dulot na stress hangga't maaari.
Pinagsasama namin ang tradisyonal na pangangalaga sa kliyente sa modernong paraan, at ito ay ang pag-aalok ng mga online meeting, elektronikong komunikasyon, at mga flexible na opsyon sa appointment. Para sa mga kliyente na walang kakayahang makapunta sa aming opisina, ang aming mobile lawyer service ay nagbibigay-daan sa inyo upang maiparating ang aming serbisyo sa inyong mga tahanan, trabaho, at ibang pang karatig lugar.
Sa Integrity Law, kami ang may kakayahang magbigay ng:
• Serbisyo kalidad sa mga lengwaheng Ingles, Tagalog, at Hapones;
• Malinaw at mabilis na pagtugon sa mga tanong;
• Praktikal at madaling maunawaang payo;
• Mataas na pamantayan sa usaping privacy at confidentiality;
• Mga flexible na opsyon sa meetings, kabilang ang mga mobile appointment; at
• Mapagkakatiwalaang gabay sa iba't ibang legal na usapin.
Anuman ang iyong mga legal na pangangailangan, ang aming layunin ay magbigay ng natatanging serbisyo nang may integridad, propesyonalismo, at personal na ugnayan.
Makipag-ugnayan na sa Integrity Law at tuklasin kung paano makatutulong ang aming multilingual team na gawing mas madali at mas komportable ang iyong legal na paglalakbay.