Sebisyo para sa pagr Reseal ng Wills at Letters of Administration

Ang aming bihasang team ay nagbibigay ng mga serbisyong may bayad na sulit para sa muling pagre-reseal ng Grant of Probate at Letters of Administration dito sa New Zealand.

  • Reseal of Probate: Ang nakatakdang bayad para sa serbisyong ito ay nagkakahalagang $499 + GST, at court filing fee at disbursements.

  • Reseal of Letters of Administration: Nakatakdang bayad sa halagang $699 + GST, at court filing fee at disbursements..

Reseals of Wills for Overseas Grants:

Kung ang isang mahal sa buhay ay pumanaw na sa ibang bansa ngunit nag-iwan ng mga ari-arian sa New Zealand, maaaring kailanganin ang paga-apply para sa muling pagre-reseal ng probate o letters of administration. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa isang foreign grant na kilalanin ng New Zealand High Court, na nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan ang mga ari-arian na matatagpuan dito nang hindi kailangang mag-umpisa sa simula.

Kailan maaaring maging posible ang Reseal of Probate/Letters of Administration?

Kung ang orihinal na grant ay inisyu sa isang Commonwealth country o sa Hong Kong, maaaring mai-reseal ito ng New Zealand High Court.

Para sa mga bansang hindi kabilang sa Commonwealth (halimbawa: USA, Japan, South Korea, Tahiti, Argentina), kinakailangan ang isang bagong grant of probate o letters of administration sa New Zealand.

Bakit kinakailangan ang isang Reseal?

Kung wala ito, ang grant sa ibang bansa ay walang legal na epekto sa New Zealand. Ang mga bangko, land registries, at mga institusyong pinansyal ay hindi maglalabas ng mga ari-arian hangga't hindi kinikilala ang grant dito.

Aplikasyon para sa Letters of Administration – De Bonis Non

Ano ang Kahulugan ng "De Bonis Non"?

Ito ay Latin para sa "of goods not administered." Nalalapat ito kapag ang orihinal na executor o administrator ay namatay o hindi na kayang kumpletuhin ang pangangasiwa ng ari-arian. Ang High Court ay nagtatalaga ng isang bagong administrator upang tapusin ang proseso.

Kailan ng aba ito kailangan?

  • Ang nag-iisa o huling nabubuhay na executor ay namatay bago makumpleto ang pangangasiwa ng ari-arian.

  • Ang orihinal na administrator ay walang kakayahan na kumilos dahil sa kawalan ng kapasidad, pagkamatay, o pag-alis ng korte.

  • Ang orihinal na administrator ay nagbitiw o nadiskwalipika sa legal na proseso.

  • May mga natitirang ari-arian na hindi pa napangasiwaan (de bonis non administratis)

Mga Uri ng De Bonis Non-Grants:

  • With Will Annexed: Kung mayroong Will ngunit walang kakayahang kumilos ang executor/s.

  • Intestate: Kung walang naiwang Will ang yumao at walang kakayahang magpatuloy ang isang administrator.

Kailangan mo ba ng Tulong?

Ang aming team ay dalubhasa sa internasyonal na pangangasiwa ng ari-arian (estate administration) at maaaring magbigay-gabay sa mga iyong planong pag-reseal at mga serisyong nag-uugnay sa de bonis non nang maayos at walang palya. Makipag-ugnayan sa amin ngayon para sa payo ng eksperto.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tawagan kami sa 09 267 2700.